Street crimes pinatututukan sa PNP

Mahigpit na pinatututukan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Phil. National Police (PNP) ang maliliit at ordinaryong mga krimen sa Metro Manila bukod pa sa mga krimeng kagagawan ng mga sindikato at terorista.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo kasunod ng pagkasawi ni Jose Luis Villanueva, editor ng pahayagang Today na biktima ng tatlong holdaper noong Huwebes ng gabi.

Magugunitang sinaksak sa leeg si Villanueva ng mga suspect habang lulan ito sa isang bus makaraang hindi nito ibigay ang kanyang cellphone.

Ayon pa sa Malacañang ang mga ordinaryong krimen ang araw-araw na nakasasalamuha ng publiko kaya’t importanteng masawata ang mga ito.

Isa pa lamang sa tatlong suspect na pumatay kay Villanueva ang nadadakip, ito ay nakilalang si Rommel Capones, alyas Butoy ng Sto. Niño, Pasay City. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments