Nakilala ang mag-inang biktima na sina Amparo Talavera, at anak nitong si Isaiah, residente ng Block 23, Lot 25, EP Housing Phase 1, Brgy. Western Bicutan ng bayang ito.
Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect tangay ang nasabing mga biktima na nakasakay sa isang Toyota Crown na kulay gray, na may plakang TPS-520.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Block 23, Lot 25, EP Housing Phase 1m Brgy, Bicutan, Taguig.
Nabatid na habang naglalakad ang mga biktima ay bigla na lamang nilapitan ng suspect at sapilitang isinakay sa nasabing sasakyan.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito para mabatid kung ano ang motibo sa pagdukot sa mag-ina at kung sino ang posibleng gumawa nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)