Samantala, ang bagyong Marce ay tinatayang nasa layong 520 kilometro ng hilagang-kanluran ng Batanes na may taglay na lakas na hangin 140 kilometro kada oras at pabugsu-bugsong hangin na may 170 kilometro bawat oras.
Mananatiling makakaranas ang Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ng mga pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalalakas pa ng papasok na bagyo.
Ang ibang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-alon at pagkidlat habang ang Mindanao ay daranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. (Ulat ni Doris M. Franche)