Ayon kay Dr. Chirto Navarro, head investigation ng DOH-National Epedimiology Center (NEC) na ang sore eyes ay pangkaraniwang sakit tuwing tag-init subalit dahil sa pabagu-bago ng panahon ay naka-adopt na ang virus o bacteria sa paligid.
Idinagdag pa nito na ang common sore eyes na bacterial ay masasabing kumplikado kung kaya kailangan nang uminom ng anti-biotic ang nagtataglay nito at saka lamang ito gagaling sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Sinabi pa ni Dr. Navarro na maaaring makuha ang nasabing sakit sa pamamagitan ng direct contact o sa pamamagitan ng paglanghap sa secretion nito hanggang sa mapunta sa mata at indirect contact o sa paggamit ng mga bagay na ginamit ng taong may sore-eyes. (Ulat ni Gemma Amargo)