3 sibilyan timbog sa pot session

Tatlo katao kabilang ang isang drug pusher na nasa order of battle ng Philippine National Police (PNP) ang dinakip kahapon ng mga operatiba sa isang pot session kamakalawa ng gabi sa Malibay, Pasay City.

Sa bisa ng warrant of arrest inaresto ni Sr. Insp. Reynaldo Paculan ng Anti-Illegal Drug Special Task Force si Salvador Evangelista, 39, ng 704 Apelo Cruz st. Malibay, ng nasabing lungsod.

Nahuli naman sa aktong humihitit pa ng shabu ang mga kasamahan ni Evangelista na sina Zaldy Bermejo, 42, messenger at Romeo Tibar, 51, driver.

Lumilitaw na nagsagawa ng isang linggong surveillance sina PO1 Ronnie Miranda at PO2 Elmer Dimaculangan sa bahay ni Evangelista at ng makumpirma na positibo ang suspect sa lugar ay agad na kumuha ng warrant of arrest sa korte.

Si Evangelista ay nasa watchlist ng PNP at matagal ng sinusubaybayan dahil sa illegal activities nito sa MM . (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments