Halos matigas na ang bangkay ng biktimang si Felizardo Postero, Jr. stay-in fiberglass worker ng matagpuan dakong alas-7 ng umaga sa loob ng kanilang quarters sa Barracks Inc. sa Carlo Drive 2nd Ave. Sta. Maria Industrial Estate, Brgy. Bagumbayan, ng nasabing bayan.
Nabatid na nagtungo sa bahay ng kanyang live-in partner ang biktima upang ayusin ang kanilang hindi pagkaka-unawaan.
Subalit sa halip na maayos, tuluyan nang tinapos ng babae ang kanilang relasyon na labis na dinamdam ng biktima.
Ayon naman sa mga kasamahan ng biktima, malungkot na dumating ng bahay ang una at natulog subalit laking gulat nila ng makitang nakabigti na ito kinaumagahan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)