Sa nakalap na impormasyon, sinabi ni Saraza sa kanyang pamilya bago ito namatay na may ilang politiko na galit sa kanya at nais siyang alisin sa tungkulin bilang pangulo ng ABC sa Caloocan.
Ayon sa source nabanggit din sa kanya ng biktima na nakasagutan nito si Caloocan City Mayor Enrico " Recom" Echiverri tungkol sa naturan ding isyu kung saan minura ng una ang huli na labis nitong ikinagalit.
Noong Martes ng magkaroon ng assembly meeting ang mga barangay captain sa Caloocan City Hall kung saan isa sa mga pinag-usapan umano ang pagpapatalsik sa biktima at ipapalit ang anak umano ni Echiverri na isang barangay captain.
Nagmatigas naman si Saraza na bumaba sa puwesto sa kabila ng botohan kung saan may 188 miyembro ng asosasyon ang pumabor na paalisin na ito.
Naniniwala naman ang pamilya ni Saraza na hired at professional killer ang pumaslang sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)