Bikitma ng salvage natagpuan

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakasilid sa sako ang bangkay ng biktima na inilarawan ng pulisya na nasa gulang na 20 hanggang 25 anyos, may taas na 5’5 talampakan, moreno at kulot ang buhok.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may kahabaan ng Dagat-Dagatan sa Brgy. 14, Caloocan City.

Sa isinagawang awtopsiya, walang makitang sugat o galos sa anumang parte ng katawan nito maliban sa marka sa palibot ng leeg na palatandaang binigti ito bago isinilid sa sako.

May hinala naman ang pulisya na posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at sa nasabing lugar lamang ito itinapon upang iligaw ang imbestigasyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments