Kasabay nito, nilinaw din ng ilang miyembro ng Jesus Miracle Crusade ni Wilde Almeda na hindi bahagi ng kanilang doktrina ang pagtanggi sa pagbuburol at pagpapalibing sa bangkay.
Sa pakikipanayam kay Jonathan Cordial, 30, sobrang pagmamahal ang nangingibabaw sa kanya kung kayat tumanggi siyang iburol ang bangkay ng kanyang asawa na si Marilyn, 28 ng 119 Kaliraya St. Mora Compound, Brgy. Tatalon, ng nabanggit na lungsod,
Ayon kay Jonathan, hindi niya kayang mawala ang kanyang asawa na siyam na taon na niyang kasama kung kayat umaasa pa siya na gagaling ito mula sa sakit na kanyang nararamdaman.
Posibleng ang kawalan ng anak ang siyang dahilan ng kanyang pangungulila sakaling mawala ang asawa.
Ipinaliwanag din ni Jonathan na nakaramdam lamang ng sakit sa tiyan ang kanyang asawa na tumagal ng tatlong araw subalit hindi naman siya nabahala na dalhin ito sa doktor.
Nabigo ding sabihin ni Jonathan kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang misis.
Matatandaan na inireklamo si Jonathan ng kanyang mga kapitbahay matapos na umalingasaw ang amoy mula sa bangkay ng kanyang asawa na nooy nasa state of decomposition.
Bunga nito, agad namang itinakbo ni Jonathan ang bangkay ng kanyang asawa at tuluyan ng inilibing ng hindi man lamang naiimbestigahan ng mga awtoridad.
Ayon naman sa pulisya, posibleng may foul play sa pagkamatay ni Marilyn kung kayat tuluyan ng pinalibing ito ni Jonathan. (Ulat ni Doris Franche)