Ito ang sinabi kahapon ni Leonora Naval, pangulo ng ATOMM na ilalapit nila sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) matapos na mapagkasunduan ng kanilang hanay.
Mangangahulugan ito na magiging P30.00 ang flag down rate sa taxi sa Metro Manila kung maaprubahan ang limang pisong kanilang hiling.
Binigyang diin ng ATOMM na kahit na magkaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, hindi nito maiibsan ang epektong dinulot sa kanila ng serye ng taas ng presyo ng gasolina kamakailan.
Noon pa umanong taong 2000 huling nagkaroon ng pagtaas sa flag down rate ng mga taxi at hindi na nasundan pa, gayung nakailang taas na ang presyo ng gasolina. (Ulat ni Angie dela Cruz)