Bebot lasog sa killer train

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 29-anyos na babae makaraang mahagip ito ng isang rumaragasang tren at tuluyang makaladkad kahapon ng umaga sa Makati City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Gemma Genon, tubong Silang Cavite at residente ng PNR, South Brgy. Bangkal Makati matapos masagasaan dakong alas-8:00 ng umaga.

Ayon sa ilang mga saksi, nakita nila ang biktima na naglalakad sa gilid ng riles ng tren upang umuwi ng kanilang bahay nang hindi nito namalayan ang paparating na commuters train na patungong Tutuban, Manila.

Ayon sa mga saksi, sinigawan nila ang biktima subalit wala itong narinig hanggang sa masagasaan ito ng tren at makaladkad may isang kilometro ang layo.

Nabigo naman ang ilang mga saksi na makuha ang body number ng nasabing commuter train. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments