Ayon kay Marivic Panganiban, principal ng Payatas Elementary School sa sobrang dami ng estudyante ay napilitan silang gawing apat na shift at tig-tatlong oras lamang ang klase para magawan ng paraan na maturuan lahat ang kanilang mga estudyante.
Lumalabas na nagsisimula ang unang shift ng klase dakong alas-6 hanggang alas 9-ng umaga, susundan ito ng 9-12, 12-3 at 3-6 ng gabi.
Bukod sa ganitong sistema, nabatid na umaabot sa 78 estudyante ang nagsisiksikan sa mga classroom. (Ulat ni Edwin Balasa)