Kinilala ni BI Associate Commissioner Arthel Caronongan ang mga nadakip na suspect na sina John Leo Cerizo at ang misis nitong si Janeth Cerizo, kapwa residente ng Davao City.
Ang mag-asawa ay naaresto noong Huwebes ng mga operatiba ng BI matapos hilingin ng US Embassy sa Manila at Federal Bureau of Investigation na siyang nagbigay ng impormasyon sa mga kasong multiple counts ng conspiracy,wire fraud at mail fraud.
Nakatakda namang i-deport patungong Hawaii ang mga suspect upang doon harapin ang kanilang mga kaso, samantalang ilalagay din sa blacklist ng BI ang dalawa upang hindi na makabalik pa dito sa Pilipinas.
Lumalabas sa rekord na naghain ng kaso ang pamahalaan ng Hawaii ng mga kasong kriminal laban sa mag-asawa dahil sa panloloko sa may 70 katao na karamihan ay matatandang Fil-Am na naninirahan sa Maui Hawaii na nakapagbigay ng may kabuuang $ 8 milyon sa mag-asawa.
Natuklasan pa na noon pang Nobyembre 26, 2002 nagtatago dito sa Pilipinas ang mag-asawa bilang balikbayan. (Ulat ni Gemma Amargo)