Hindi na umabot pang buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang nasa pagitan ng 35-40 taong gulang, may taas na 57 talampakan, balingkinitan ang katawan at may tattoo na Danilo sa braso. Isang tama ng bala ng baril sa mukha ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect tangay ang wallet at cellphone ng biktima.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Quirino St., Zone 6, Signal Village, Taguig.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na hinarang ng suspect ang biktima sa nasabing lugar at tinutukan ito ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at saka nagdeklara ng holdap.
Nanlaban naman ang biktima kung kaya binaril siya nang malapitan ng suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)