Nasawi noon din ang mga biktimang nakilalang sina Roberto Poot, 46, ng Quezon City; Romulo Ramones, 50; Edwin Lalong Isip, 15; at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Mabilis namang isinugod sa ibat ibang pagamutan ang mga sugatan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Elmer Pascual ng Traffic Management Group, naganap ang trahedya dakong alas-5:30 ng umaga sa kahabaan ng SLEX sa boundary ng San Pedro at Muntinlupa.
Nabatid na ang pampasaherong jeep ay galing sa Novaliches, Quezon City at ang shuttle bus naman ay galing sa Las Piñas City at parehong patungo sa Batangas.
Lulan sa shuttle bus ang mga kawani ng American Standard.
Ayon pa sa ulat, nag-over take ang bus sa isang sasakyan at hindi akalin ng driver na si Olympio Cornelio na nasa unahan ang nabanggit na jeep.
Dahil dito, nabangga ng shuttle bus ang jeep na nagresulta nga sa pagkasawi ng apat katao. (Ulat ni Lordeth Bonilla)