Sa ulat ni SPO4 Alfredo Salazar, ng WPD Homicide Division, ang biktima ay nakilalang si Linnet Joy San Esteban ng 370 Conchia St. Tondo habang ang live-in partner nito ay nakilalang si Aris Bonifacio, 18.
Lumilitaw na bago naganap ang insidente, nag-away pa ang biktima at si Bonifacio hinggil sa paghahanap ng meryenda ng una sa huli.
Dahil sa kawalan ng pera, hindi makabili si Bonifacio na ikinagalit at ikinaiyak ng biktima hanggang sa magkulong sa kuwarto.
Makaraan ang ilang oras, pinuntahan ni Bonifacio ang biktima sa kuwarto at laking gulat niya ng makitang bumubula ang bibig nito.
Ininom ng biktima ang kemikal na ginagamit sa paglilinis ng alahas.
Ayon sa ina ni Bonifacio, madalas na nag-aaway ang biktima at ang kanyang anak kahit na sa maliliit na bagay dala marahil ng kanilang pagiging isip bata. (Ulat ni Danilo Garcia)