Umaabot na sa 288,840 ang boto ni "SB", habang si Mathay naman ay nakakuha lamang ng botong 84,688, samantalang si Co ay 1,175.
Sa pagka-bise alkalde, namayagpag din si re-electionist Vice-Mayor Herbert Bautista na nakapagtala ng botong 328,508 habang ang kanyang katunggaling si Dingdong Avanzado ay nakakuha lamang ng 46,767 at si Jamil Buscayno ay 1,363 lamang.
Namayagpag din naman ang mga konsehales ni Mayor Belmonte sa apat na distrito.
Sa 1st district pa lamang lumalamang na sa bilangan sina Elizabeth Delarmente, Bernadette Dy, Victor Ferrer, Rommel Abesamis at Joseph "Sep" Juico, kasama si Francisco Calalay Jr. ang nasa top six.
Si Juico at Calalay ay mga bagong kandidato sa 1st district habang ang apat ay mga incumbent councilors.
Prinoklama na rin kahapon ng Commission on Election (Comelec) si incumbent Taguig Mayor Sigfrido Tinga bilang nanalong alkalde sa nabanggit na bayan.
Dakong alas-5:10 ng umaga nang isagawa ang proklamasyon sa naturang alkalde, kung saan nakakuha ito ng botong 40,000 na may malaking kalamangan sa katunggali nitong si incumbent Vice-Mayor Loida Labao-Alzona.
Samantala, sa areas ng Muntinlupa at Pasay City malamang na sa darating na linggo iproklama na ang mga nanalong kandidato.
Sa Parañaque City patuloy pa ang nagaganap na bilangan at tensyon sa pagitan ng mga supporters ng naglalabang mga kandidato. (Ulat ni Lordeth Bonilla)