7 'tulak' nasakote

Pito katao kabilang ang isang babae ang naaresto ng mga tauhan ng WPD sa isinagawang buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Marcelino Pedroza, hepe ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Group (DAID-SOG) ang mga naaresto na sina Rhodora Dimla, 40; Edgar Olaires, 50; Eduardo Teston, 32; Roberto Pajares, 34; Cerilo Cabiling, 38; Diosdado Danico, 40; at Jojo Luciano, 23.

Dinakip ang mga nabanggit dakong alas-2 ng madaling-araw sa A. Scout Ojeda St. ng nasabing lugar.

Isinagawa ang operasyon makaraang magsumbong sa pulisya ang isang impormante tungkol sa talamak na bentahan ng shabu sa nasabing lugar. Dahil dito, agad na isinagawa ang operasyon.

Nasamsam sa mga suspect ang may limang gramo ng shabu at mga shabu paraphernalias. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments