Mismong tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nagbigay ng impormasyon hinggil dito.
Ayon sa ulat, dumarating ang P5,000 pataas na pera kay Andang sa nasabing bilangguan sa pamamagitan ng parcel delivery ng LBC.
Si Andang ay nakulong dahilan sa kasong kidnapping. Naputulan ito ng paa matapos na makipaglaban sa awtoridad nang arestuhin sa Mindanao.
Bunga nito, naniniwala ang BJMP official na ang natatanggap na pera ni Andang ay mula sa ransom ng ASG leader sa pamamagitan nito noong kasagsagan ng kidnaping sa Basilan, Jolo, Zamboanga at Davao.
Tinangka namang kunin ang reaksyon ng BJMP ngunit wala ang mga pangunahing opisyal ng kawanihan. (Ulat ni Anna Sanchez)