Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Manuel Appari, 26, binata ng Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod.
Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa hindi nakikilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay.
Nabatid pa sa ulat na isang araw bago ang naganap na krimen ay may nakaalitan umano ang biktima na isang bakla na nakilala lamang sa alyas na Angel na residente ng Malabon.
Ilang gamit din ng biktima ang iniulat na nawawala. Malaki naman ang paniwala ng pulisya na maaaring kilala ng nasawi ang suspect dahil sa wala namang palatandaan na puwersahang pumasok sa bahay ang salarin. (Jo Cagande)