Nakilala ang nasawi na si Bryan Ingal, ng #110 Adella St., 10th Avenue Grace Park sa nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ang ginawang pagbibigti ni Bryan. Natuklasan ang nakabiting katawan nito sa loob ng kanilang kuwarto.
Nabatid na bago ang isinagawang pagpapakamatay ni Bryan ay kapansin-pansin na ang pananamlay nito matapos na mabisto na may ibang lalaki ang kanyang kinakasama.
Isang suicide note ang iniwan ni Bryan para sa umanoy ka-live-in nitong si Sayon na dito sinasaad ng nasawi na hindi niya matanggap ang ginawang pagtataksil ng kanyang mahal. (Ulat ni Jo Cagande)