Bukod kay Gatchalian, kasama rin sa kinasuhan ng SSS sa pamamagitan ni SSS Account Officer Emily Lim ang mga opisyal pa ng Plastic City Corporation, Valenzuela City na sina Dee Hua Gatchalian, Felino Canio, Leoncio Rosales, Salvador Olarte at Lourdes Ngo.
Ang mga nabanggit na opisyal ay inireklamo ng SSS dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon mula Enero hanggang Mayo 2002 na umaabot sa P182,230 kasama na rito ang penalty. Ayon sa SSS, ilang ulit na silang nagpadala ng demand letter sa naturang kompanya para magbayad ngunit patuloy na hindi inaaksiyunan ang nabanggit na utang. (Ulat ni Angie dela Cruz)