Ito ang nabatid nang wala namang naganap na sesyon sa Konseho dahil sa hindi pagdating ng mga konsehal at tanging sina Manila Vice Mayor Danny Lacuna, Manila 1st District Councilor Benjamin Atong Asilo at Manila 6th District Councilor Lou Veloso ang present sa session hall.
Lumalabas sa talaan ng konseho na sa pagpasok ng taong 2004, apat na beses lamang ang nabuo at nagkaroon ng session sa City Council ang mga konsehal.
May natitirang 14 session day ang Konseho subalit ayon na rin kay Lacuna na malabo nang makabuo ng quorum dahil abala ang karamihan sa mga konsehal dahil mga re-electionist kayat kailangan nilang mangampanya sa kani-kanilang mga distrito.
Bukod dito, tinamad na ang may 35 konsehal mula nang aprubahan nila ang kuwestiyonableng kontrata sa basura ng Leonel Waste Management na umaabot sa mahigit P.5 bilyon nitong Marso 11.
Napag-alaman pa na minadali ang pag-apruba sa kontrata ni Leonardo Totoy upang makuha ang goodwill money ng bawat konsehal na umaabot sa mahigit P100,000 bawat isa.
Tanging si Konsehal Asilo ang mag-isang tumutol sa kontrata sa paniwalang disadvantageous ang naturang kontrata sa mga Manileño. (Ulat ni Gemma Amargo)