Navotas holdup: 1 nasawi, 1 sugatan

Buhay at hindi nasawi sa naganap na holdap si Myrna Cinco-Cruz, gaya ng napaulat kahapon.

Ang kapatid nitong si Carmella Cinco-Chua ang nasawi sa naturang holdap na naganap kamakalawa ng umaga sa Barangay San Jose, Navotas.

Sa naturang insidente, pinagbabaril ng mga suspect ang magkapatid habang lulan ng kanilang owner-type jeep. Kinulimbat din ng mga salarin ang dalang pera at mga mahahalagang gamit ng dalawa na noon ay kagagaling lamang sa Navotas Fish Port.

"Humihingi po kami ng paumanhin sa kanyang pamilya. Ang report ay nakuha lamang po namin sa himpilan ng pulisya ng Navotas." (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments