Ito naman ang nabatid mula kay Atienza kasabay ng pagsasabing hindi na kailangan pang pagdebatehan ang anumang isyu sa lungsod ng Maynila lalu nat kung ang pag-uusapan ay hinggil sa sitwasyon ng lungsod.
Ipinaliwanag ni Atienza na balewala ang debate dahil nakikita naman ng mga Manileño ang kanyang nagawa sa loob ng dalawang termino ng pagiging alkalde ng Maynila.
Iginiit ni Atienza na hindi naman dapat na paunlakan ang hamon ni dating Manila Mayor Mel Lopez dahil malaki ang ipinagbago ng Maynila simula ng siya ay umupo bilang ama ng lungsod.
Kitang-kita naman aniya ang kanyang mga nagawa sa Roxas Boulevard, Quiapo, Moriones, Avenida Rizal at Plaza Miranda. Naisaayos din ang paghakot ng basura at kalakaran sa pagbabayad ng buwis.
Mas makabubuting magdebate ang mga pulitiko na wala pang nagagawa upang malaman ng tao kung ano ang kani-kanilang mga plano. (Ulat ni Ellen Fernando)