Si Eduardo Bunggol, 35, at residente ng #1626 Tayabas St. Tondo, Maynila ay agad na nadakip matapos na magpositibo sa panggagahasa batay na rin sa medico legal ng biktimang itinago sa pangalang Rose.
Lumalabas sa imbestigasyon ng WPD-Jose Abad Santos Station na naganap ang panghahalay ng suspect sa biktima dakong ala-1 ng madaling araw sa mismong bahay nito.
Inutusan ang biktima ng kanyang tiyahin na singilin ang suspect sa utang nitong electric fan. Binayaran naman ng suspect ang biktima subalit natagalan pa ito nang makipagkuwentuhan sa mag-asawang Bunggol.
Makalipas ang ilang oras, nagpaalam ang asawa ng suspect na may bibilhin kung saan naiwan ang biktima at suspect sa bahay na naging daan upang isagawa ng huli ang kanyang makamundong pagnanasa.
Sa kabila ng ginagawang kahalayan ng suspect, pinilit ng biktima na manlaban kung kayat nakatakas ito at agad na nagsumbong sa mga awtoridad. (Ulat ni Gemma Amargo)