Sa 32-pahinang desisyon ni Judge Myrna Dimaraan-Vidal ng RTC Branch 127, ang mga akusadong sina Michael Salamat at Ana Atadero ay napatunayang nagkasala sa paglabag sa kasong Republic Act 9165 at pinagbabayad din ng P500,000 bawat isa.
Bukod pa sa nasabing hatol, pinatawan pa si Salamat ng karagdagang 17-taong pagkabilanggo dahil naman sa pag-iingat ng droga habang ang kasama ng mga itong si Jun Vidal na nahuling sumisinghot ng shabu ay pinatapon naman sa rehabilitation center upang ipagamot ng anim na buwan.
Sa rekord ng korte, ang mga akusado ay nadakip noong Hulyo 28, 2002 sa bahay ng mag-live-in sa Urbano Plaza St., Caloocan City.
Sa kasagsagan ng paglilitis, idinahilan ng mag-live-in na isang hulidap ang isinagawa ng mga pulis upang makapanghuthot ng salapi at upang makatabla sa ina ni Salamat na may nakasampang kaso laban sa ilang pulis, subalit hindi binigyan ng timbang ng hukom ang alibi ng mag-live-in at kinatigan ang salaysay ng mga pulis. (Ulat ni Rose Tamayo)