Ayon kay Bautista, paglabag sa itinatakda ng kanilang franchise ang ginawang strike ng mga grupo ng transportasyon noong nakalipas na Lunes dahil sa hindi nila tinupad ang responsibilidad para sa taumbayan.
Si Pangulong Arroyo lamang anya ang siyang may kamay upang mapigilan ang LTFRB na huwag nang magkansela ng prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan na nagwelga kamakailan.
Binigyang-diin ni Bautista na hindi basta-basta maaaring mag-strike ang mga public utility vehicles dahil ayon sa batas, binigyan sila ng karapatan na magsakay ng mga pasahero para sa kapakanan at proteksyon ng publiko. Gayunman, nakatakda namang kausapin ni DOTC Sec. Mendoza ang transport group leaders upang himukin na huwag nang ituloy ang tigil-pasada sa Lunes. (Ulat ni Angie dela Cruz)