Ayon sa ulat, dakong alas-11:55 ng gabi noong Lunes nang isakay sa Continental Air ang fugitive na si Brian Nelson Arevalo, 31. Dalawang miyembro ng US marshall ang nagsilbing escort ni Arevalo patungong US mainland via Guam para harapin ang Military Court Martial at upang pagdusahan ang sintensiya sa kasong drug pushing at illegal possession of firearms.
Si Arevalo ay nadakip ng mga kagawad ng BI, ISAFP at NBI noong Lunes ng umaga sa harapan ng US Embassy.
Si Arevalo ay dating miyembro ng US Force na nakatalaga sa bomb squadron sa Castle Air Force sa California subalit tumakas ito sa serbisyo sa hindi malamang dahilan.
Nabatid pa na ang deportee ay nauna ng naaresto sa Richmond California dahil sa pag-iingat ng cocaine, marijuana at hindi lisensiyadong shotgun.
Hinatulan ng California County Court noong 1995 ang suspect ng 8 hanggang 12 taong pagkabilanggo subalit pumuslit ito patungong Pilipinas upang magtago. (Butch Quejada at Grace dela Cruz)