Ayon kay Barbers, lubhang kagimbal-gimbal na nagagawa ito ng ilang taong di-maka-Diyos na nakawin ang banal na imahe ni Kristo na ayon sa kanya ay katumbas ng isang karumal-dumal na krimen.
"We are predominantly a Christian nation and stealing such an item that has historial, cultural and religious values goes beyond the sphere of an ordinary case of theft," dagdag ni Barbers.
Nanawagan din ang tagapangulo ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa mga miyembro ng Western Police District na doblehin ang kakayahan para maaresto kaagad ang mga responsable sa pagnanakaw ng imahen.
Si Barbers ay kilalang deboto ng Sto. Niño noon pa mang siya ay miyembro ng pulisya na nagsaad na sa maraming pagkakataon ay nagligtas sa kanyang buhay sa oras ng kagipitan sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang pulis. (Ulat ni Rudy Andal)