Ang biktima ay maputi, nasa edad 40-45, may taas na 411, maikli ang buhok at balingkinitan ang katawan. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, may tumawag sa kanila upang ipagbigay-alam ang natagpuang bangkay ng babae dakong alas-5 kahapon ng madaling-araw ng security guard ng Pedro Tuazon Elementary School sa P. Tuazon Blvd., Cubao, QC.
Bukod sa maliit na hiwa sa kanyang hita, lumabas din ang bituka ng babae sa kanyang puwet na palatandaan na posibleng tinorture ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito.
Kasalukuyang nakalagak sa Prudential funeral parlor ang bangkay ng biktima. (Ulat ni Doris M. Franche)