Nais ni MMDA Chairman Bayani Fernando na gayahin ang traffic system sa Estados Unidos kung saan ang sinumang tsuper na lalabag sa batas trapiko at hindi na kailangang kumpiskahin pa ang kanilang lisensiya.
Kung wala aniya ang driver ng sasakyang lumabag sa batas ng trapiko sa wiper na lamang iipit ang kanyang TVR at ire-record ng apprehension officer ang numero ng plaka.
Nabatid na dalawang summons lamang ang matatanggap ng isang traffic violator na kapag binalewala ay awtomatikong magbabayad siya ng halagang P5,000.
Bukod pa dito, kapag minaneho o inilabas niya sa lansangan ang sasakyan, iimpound na ito ng MMDA at bibigyan lamang siya ng 7 araw na palugit para mabayaran ang multa hinggil sa nilabag niyang batas trapiko.
Layunin ng naturang hakbangin ay upang maiwasan ang argumento sa pagitan ng traffic enforcer at driver.
Maiiwasan din ang mga suhulan sa kalye. (Ulat ni Lordeth Bonilla)