Iniutos din ni de Leon ang pagpapatigil ng sahod at iba pang benepisyo ng mga pulis na nakilalang sina PO1s Edmond Paculdan; Emeterio Mendoza Jr., Oliver Estrelles; Michael Collado; PO2s Noel Magcalayo; Jose Usero at PO3s Isagani Mateo at Jerry Villamar at ang hepe ng DEU na si Supt. Nilo Wong.
Ayon kay de Leon, ang mga larawan na lumabas sa ilang mga pahayagan ay isang mabigat na ebidensiya laban sa mga pulis na gumagawa ng kahalayan sa loob mismo ng istasyon ng pulisya.
Iginiit ni de Leon na ang pagkaka-relieve kay Wong ay bunga ng command responsilibity dahil karamihan sa mga pulis ay pawang nakatalaga sa DEU.
Ipinasasailalim din ni de Leon sa imbestigasyon ang hepe ng CPD-Novaliches Station na si Supt. Benedicto Lopez.
Ayon naman kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, ang mga nasabing pulis ay inilagay sa District Security and Support Unit (DSSU) habang isinasagawa ang summary dismissal proceedings laban sa kanila.
Sinampahan na rin ang mga ito ng kasong administratibo.
Lumilitaw na ipinagdiwang ng mga pulis ang kaarawan ni Usero na umanoy driver bodyguard ni Lopez.
Kitang-kita sa mga kinunang larawan na pinagsasayaw ng mga pulis ang ilang babae na hubot-hubad at habang ang ibang pulis naman ay pinaghihipuan ang mga babaeng kanilang inimbitahan.(Ulat ni Doris Franche)