Sa ipinalabas na subpoena ni State Prosecutor Pablo Formaran III, inatasan nito sina Port of Batangas Assessment Division Chief Aguinaldo Marquez, Customs Appraisers Oscar Balicanta, Ligaya Platon at Luisa Castillo na dumalo sa preliminary investigation sa Pebrero 16 dakong alas-2 ng hapon.
Kasama rin sa mga inisyuhan ng subpoena ang mga consignees na sina Ronaldo at Racquel Laderas at Ivy Sarad.
Una nang kinasuhan ng paglabag sa Tariff and Customs Code ang mga opisyal at consignee na tumutukoy sa kasong smuggling matapos na matuklasan na nakapasok ng bansa sa pamamagitan ng Port of Batangas ang mga kontaminadong manok na nakalagay sa 19 container van.
Nabatid na pitong container van na lamang ang naiwan sa pier dahil ang iba nito ay naipamahagi na sa mga palengke. (Ulat ni Grace dela Cruz)