40 kahon ng pampasabog nasabat

Apatnapung kahon na naglalaman ng mga dinamita at mga sangkap nito ang nakumpiska sa pag-iingat ng lima katao na kinabibilangan ng isang pulis, kahapon ng hatinggabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nahulihan ng explosives na sina Jessie Frago, 37; Ricardo Corpuz, 47; Elmer Pascual, 31; Lito Bognot, 39, at isang PO1 Salvador Vasquez ng Daet, Camarines Provincial Police Office.

Ang mga nabanggit na suspect ay nasabat habang nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya sa kahabaan ng MacArthur Highway malapit sa Bonifacio Circle dakong alas-12 ng hatinggabi.

Napag-alaman na sakay ng isang truck na may 30 sako ng ammonium nitrate, isang sangkap sa paggawa ng dinamita at 60 kahon ng dynamite sticks na may markang "magnum". (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments