Hihingi ng P1.50 dagdag sa mininum fare ang Philippine Confederation Drivers Organization-Alliance of Concerned Operators (PCDO-ACTO) upang mapunan umano ang karagdagang ilalaan nila sa halaga ng krudo at mataas na presyo ng spare parts.
Ayon naman kay LTFRB chairman Elena Buatista, humihingi rin ang mga bus company ng karagdagang P1.50 sa mininum fare ng ordinaryong bus at karagdagang 30 hanggang 35 sentimo sa bawat kilometrong lalagpas sa mininum range.
Nakatakda namang dinggin ang petisyon sa darating na Pebrero 17.
Hinihiling naman ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa oil companies na panatilihin ang pagbebenta ng discounted diesel sa mga driver ng pampasaherong jeepney.
Ibinebenta ang discounted diesel ng P15.50 bawat litro sa piling gas station sa Metro Manila at karatig lugar. (Ulat ni Edwin Balasa)