Sa isinumiteng report ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Ricardo de Leon, tinukoy ang mga tinaguriang hotspots na kinabibilangan ng mga lungsod ng Caloocan, Makati, Manila, Quezon, Parañaque, Las Piñas, Pasig, Pateros, Taguig at Marikina.
Ang mga munisipalidad ay kinabibilangan naman ng Navotas at San uan.
Nabatid na ang nasabing mga lugar ay ikinokonsiderang hotspots dahil mainit ang labanan sa pulitika sa nasabing mga lugar kung saan nitong mga nagdaang halalan ay maraming naitalang karahasan dito.
Sa panig naman ni PNP Directorate for Operations P/Director Aveino Razon Jr., sinabi nito na ang masusi nilang babantayan ay ang mga hotspots sa MM upang mapanatili ang maayos at mapayapang halalan.
Idinagdag pa ng opisyal na ang iba pang mga lugar sa Metro Manila ay kinabibilangan ng Valenzuela, Malabon, Muntinlupa, Mandaluyong at Pasay ay kinokonsiderang mapayapang mga lugar sa panahon ng halalan.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal, masusi silang makikipagkoordinasyon sa Armed Forces of the Phils. (AFP) at Comelec upang maipatupad ang kinauukulang security measures sa mga lugar na kinokonsiderang hotspots. (Ulat ni Joy Cantos)