2 lalaki natagpuang patay sa sinehan

Hindi man lang napansin at dinaan-daanan lang ng mga manonood ang bangkay ng isang lalaki na may ilang oras ng patay sa loob ng sinehan habang isa pang hindi nakikilalang lalaki din ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quiapo at Sta. Cruz, Maynila.

Dakong alas-3 ng hapon nang matagpuan ang biktima na si Joselito Aragon, tireman sa Del Marine Corp. sa Manila South Harbor, Port Area, ng nabanggit na lugar sa loob ng Times Theater sa Quezon Blvd. na may palabas na double program.

Samantala, isa pang hindi nakikilalang bangkay ang natagpuan ng janitor ng Roben Theater sa C.M. Recto.

Kapwa nakaupo pa ang mga biktima kung kaya’t hinihinala ng pulisya na posibleng inatake ang mga ito habang nanonood. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments