Batay sa imbestigasyon ni PO2 Joseph Madrid ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), sinabayan ng mga suspect na sakay ng L-300 van ang armored van ng St. Thomas Security Agency na may plakang PCZ-748 dakong alas-12:20 at itinaon na papalabas ang teller na si Ernie Reyes ng BPI.
Ginagamot naman sa FEU Hospital ang biktima ng stray bullet na si Nestor Rolan.
Hindi na rin nagawang makalaban ng mga escort ni Reyes na sina Antonio Rocero at Eugenio Vargas ng St. Thomas dahil agad din silang pinadapa ng mga suspect na nakasuot ng armored vest at barong.
Ayon kay Reyes, mabilis na nagpaputok ang mga suspect at agad na kinuha ang dalawang duffle bag na kanyang dala at mabilis na sumakay ng kanilang get-away car na L-300 van na kulay maroon, may plakang PHM-158.
Hindi pa malaman kung magkano ang halagang nakuha.
Natagpuan naman ng mga pulis ang get-away car at isa pang kotse na Kia Pride, may plakang NDS-542 sa Joshua St., Jordan Plaines, QC.
Ayon naman sa pahayag ng ilang saksi, isa sa mga suspect ay madalas na umanong nahuhuli ng mga awtoridad at kasalukuyang nasa photo gallery ng CPD. (Ulat ni Doris M. Franche)