Nakilala ang sumukong suspect na si Baby Tamayo, residente ng Heritage Subdivision, Brgy. Gregorio, Trece Martirez, Cavite. Kilala rin ito sa alyas na Baby China sa kanilang lugar.
Si Tamayo ang isa sa positibong kinilala ng naunang sumukong si Editha Demol na kasamahan niya sa sindikato ng Waray-Waray Gang
Inamin ni Tamayo na pag-aari umano niya ang bahay na doon isinagawa ang pagpaplano sa pagkidnap sa Coca-Cola lady executive na si Sy. Nakita pa rin umano niya na inilabas ang katawan ni Sy sa bahay at isinakay sa isang sasakyan.
Nabatid pa rin na karamihan sa mga miyembro ng sindikato ay kamag-anak ni Tamayo. Tulad ni Demol, sinabi rin ni Tamayo na napilitan na siyang sumuko dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)