Dakong alas-4 ng hapon nang mangyari ang insidente kung saan habang sakay umano ng isang pampasaherong bus na bumabagtas sa North Bound ang biktimang si Joselito Bucos, 35, ng #114-EP Mariano St., Ususan, Taguig ay biglang nagdeklara ng holdap ang mga suspect. Nataon naman umanong ang biktima ang unang tinutukan ng patalim ng mga suspect at habang nakikipagsuntukan ang una sa dalawang suspect ay inagaw naman ng dalawang kasamahan ng mga ito ang bag na naglalaman ng cellphone, mahalagang papeles at payroll money na umaabot sa mahigit sa P1milyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)
2 holdaper ginulpi sa pampasaherong bus
Bugbog-sarado ang dalawa sa apat na holdaper makaraang bugbugin ang mga ito ng isang electrician na kanilang hinoldap sa isang pampasaherong bus, kamakalawa ng hapon sa Makati City. Ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang mga suspect na sina Frankie Onate, 24, ng Apay Compound, Bagong Bayan, Taguig at Alfredo Medrano, 37, dahil sa tinamong mga bukol at pasa sa katawan. Nakatakas naman ang dalawa pang mga kasamahan ng mga suspect na hindi pa mabatid ang mga pangalan.