Gagamitin rin ng AID-SOFT ang salaysay ng big-time drug lord na si William Gan laban sa naturang opisyal ng Manila police sa pagsasampa nila ng kaso sa korte upang matiyak na sa selda ang babagsakan nito.
Malinaw umano ang pagkakalarawan ni Gan sa naturang opisyal at maging ang luxury car na ginagamit ngayon ay isinama niya sa kanyang mga pahayag.
Sinabi ni Gan na una siyang naaresto ng grupo ng naturang opisyal noong nakalipas na Marso subalit siya ay nakalaya matapos magbigay ng P3 milyon.
Noong Agosto ay muli siyang nahuli at muli siyang nagbigay ng P1.5 milyon kaya muling nakalaya.
Sa kabila nito, patuloy na tumanggi si Deputy Director General Edgar Aglipay, head ng AID-SOTF na ibigay ang pangalan ng opisyal at ilang galamay nito, kasabay lamang ng pagsasabing ang mga ito ay kinabibilangan ng mga field officers.
Kinumpirma rin ng AID-SOTF ang ulat na hiningan ng naturang opisyal ng P2 milyon ang dalawang babaeng Chinese noong nakalipas na Disyembre.
Pinalaya rin umano ng naturang opisyal ang dalawang Muslim na nakuhanan ng 10 kilo ng shabu sa Quiapo noong nakaraang taon matapos magbigay ng P4 na milyon. (Edwin Balasa at Joy Cantos)