11 kababaihan naisalba sa sex den

Isang 40-anyos na ‘bugaw’ ang naaresto, habang nailigtas naman ang 11 mga kababaihan na pawang mga menor de edad makaraang salakayin ng pulisya ang isang prostitution den, kahapon ng madaling araw sa Maynila.

Kinilala ng pulisya ang ‘bugaw’ na si Marissa Flores habang hindi naman pinapabanggit ang mga pangalan ng mga alaga nito na pawang may mga edad na 14 hanggang 18 anyos.

Sa ulat, isinagawa ang pagsalakay dakong ala-1:45 sa kahabaan ng Adriatico St., Malate ng nabanggit na lungsod. Naaktuhan ng mga awtoridad si Flores na inaalok sa ilang mga parokyano ang mga alaga nitong kabataan para sa panandaliang-aliw kapalit ng halagang P400 hanggang P700. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments