Naniniwala si MMDA Chairman Bayani Fernando na dahil regular working days ang Disyembre 29 at 30 ay tiyak umanong maghahabol ang mga mamamayan sa paghahanda sa bisperas ng Bagong Taon.
Gayunman, nagbigay ng katiyakan ang MMDA na popostehan ang sidewalk para may maraanan ang tao sa pagdagsa ng mga ito sa lansangan.
Siniguro din ng kanilang Traffic Operation Center na bukas sa loob ng 24-oras ang MMDA-Metro base para mamonitor ang trapiko. Buong puwersa umano ng traffic enforcers ang nakatalaga sa strategic point ng Metro Manila para magmanman sa trapiko at tumulong sa mga miyembro ng PNP sa pagbibigay proteksyon sa publiko.
Maging ang mga metro aides ay inalerto na rin ni Fernando para maagap na malinis ang mga lansangan dahil sa inaasahan na pagbaha ng basura at kalat pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)