Nakilala ang mga dinakip na sina Allan Bituin, 26; Randy Cordero, 27 at Ric Mendoza, 32, pawang residente ng Barangay Palatiw ng nasabing lungsod.
Ang mga nabanggit ay dinakip makaraang ireklamo ng mga magulang ng mga batang kanilang kinikikilan ng halagang P20 bawat isa.
Ayon sa ulat naaktuhan ang mga suspect dakong alas-10 ng umaga sa Pasig Public Market habang hinihingan ng napamaskuhan ang limang batang kanilang hinarang.
Kasalukuyang nakapiit sa Pasig police detention cell ang tatlong suspect at inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)