Ayon kay Zialcita, hindi lamang ang mga namumuno sa Parañaque ang may gusto na hatiin na sa dalawang distrito ang lungsod kundi mismong taga-Parañaque na unang makikinabang dahil magkakaroon na sila ng dalawang kinatawan sa Kongreso.
Nilagdaan kahapon ni Pangulong Arroyo ang Republic Act 92291 na nagdedeklara sa Parañaque bilang highly urbanized city.
Idinagdag ni Zialcita na mas maraming proyekto ang mapupunta sa Parañaque dahil sa nasabing batas.
Kabilang sa mga barangay na mapapabilang sa first district ay ang Baclaran, Tambo, Vitales, Sto. Niño, Dongalo, La Huerta, San Dionisio at San Isidro. Samantalang ang ikalawang distrito ay binubuo ng barangays BF Homes, San Antonio, Sun Valley, San Martin de Porres, Don Bosco, Merville, Marcelo Green at Moonwalk. (Ulat ni Malou Rongalerios)