Ito ay batay naman sa inihaing reklamo laban sa mga ito ng isang grupo ng mga abogado.
Binigyan lamang ng SC ng sampung araw ang mga artistang politiko para ibigay ang kanilang panig.
Ang magiging argumento ng mga nasabing artistang politiko ang gagamiting basehan ng SC para sa kanilang gagawing paghatol kung dapat bang pagbawalan ang mga artista na pumasok sa pulitika bilang mga local government executives.
Una nang naghain ng demanda ang grupong Social Justice System (SJS) sa Manila Regional Trial Court upang kuwestiyunin ang patuloy na pagganap ng mga nasabing personality sa politika.
Isang petition for declaratory relief ang inihaing demanda ng SJS para malinawan ang nabanggit na isyu.
Ngunit nagpalabas ng desisyon si Manila RTC Judge Cesar Solis na nagsabing walang karapatan ang SJS na maghain ng demanda dahil wala silang legal personality upang magharap ng ganitong kaso.
Umapela ang SJS sa SC at dito hiniling nila na baligtarin ang unang naging desisyon ng mababang korte. (Ulat ni Grace dela Cruz)