Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-5 ng hapon sa bahay ng isang Tina Requeta ng #2927 Park Avenue St., Pasay City.
Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay pa ang 49 na kabahayan.
Umabot sa Task Force Delta ang alarma ng sunog na nakontrol dakong alas-6:05.
Hindi pa mabatid kung ano ang sanhi o pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)