Ina inistorbo ng anak sa panonood ng tv, nanaksak

Nasa malubhang kalagayan ang isang 17-anyos na dalagita makaraang saksakin ng kanyang sariling ina na naistorbo ng una sa panonood ng TV, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Ang biktima na ginagamot ngayon sa Saint Vincent Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ay nakilalang si Sheila Manangan, agad namang naaresto ang ina nito na si Lucila Manangan, kapwa residente ng #65 sa panulukan ng Kalabasa at Farmers Sts. Tumana Brgy. Concepcion Uno ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw sa loob ng bahay ng mag-ina habang nanonood ng telebisyon ang suspect ng biglang magbukas ng radyo ang dalagita. Nagalit ang suspect sa anak na humantong sa pagtatalo hanggang sa mapikon ang una at nagtungo sa kusina.

Pagbalik ay bitbit na ang isang patalim at saka inundayan ng saksak sa dibdib ang sumasagot pang anak. Mabilis namang nadakip ang suspect matapos ang ginawang pananaksak hanggang sa isugod naman sa pagamutan ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments