Kasalukuyang ginagamot sa Chinese General Hospital ang hipag ni Castro na nakilalang si Julieta Manalang, 51 at ang isa ay si Remalyn Tolentino, 25.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspect na sina Ferdinand Mariano na umanoy isang aktibong pulis WPD, PO1 Domingo Alagde, isang AWOL at Rolando Alagde sinasabing chief of staff ni Councilor Pacifico Laxa ng ikalawang distrito ng Maynila.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-3:30 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Dulce Funeral Homes na matatagpuan sa Jose Abad Santos Avenue ng nasabing lugar habang papauwi na ang bayaw ni Gen. Castro na si Ramil Salvador sakay ng kanyang owner type jeep upang ihatid sa bahay ang kanyang mga anak.
Subalit habang papalabas ito sa kalsada ay nadaan sa mga suspect na noon ay nag-iinuman na nagalit at nagsabing "daan kayo nang daan dito" kasunod ang pagmumura at pagbunot ng baril at saka itinutok kay Salvador.
Dahil dito, mabilis na bumalik sa burol sa ikalawang palapag ng punerarya si Salvador sa burol ng biyenan ni Gen. Castro at nagsumbong sa misis ng heneral na si Juliet.
Lingid naman sa kaalaman ni Salvador sy sinundan pa siya ng mga suspect sa burol na sinalubong na ni Mrs. Castro at sinabing pumayapa na lamang. Subalit imbis na umalis ay nagpaputok pa ang mga ito ng baril sa burol na ikinasugat nina Manalang at Tolentino.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang ginawang pamamaril. (Ulat ni Gemma Amargo)